Muli
Panginoon, Panginoon
Patawad sa aking pagkakamali
Paano bang magsimula pong muli?
(Paano ba? Paano ba?)
Panginoon, Panginoon
Ang nais ko'y magsimula pong muli
Tulungan Mong magsimula pong muli
Naaalala lang kita tuwing nagagawa ko na
'Di namamalayan at 'di ko rin napupuna
Kagustuhan ng laman palagi ang nauuna
Ba't 'di kaya na gawin na Ikaw dapat mauna?
Laman ng puso at isipan ko Sa'yo'y dapat laan
Ikaw lang dapat ang laman na nararapat pakinggan
Hindi ang tawag ng laman na maninira lang naman
Kundi sa Diyos na nag-anyo ng tao at nagka-laman (hey!)
Bigla ka mang kumaliwa't lumiko sa dapat at tamang daan
Kahit na ang 'yong tinatahak diretso lang dapat hindi pakanan
Mga mata na panay ang mugto, luha ay parang hindi hihinto
Nakaraang mapait nag-multo
Ba't ganon ang sakit tagos hanggang buto?
Humihingi ng patawad na parang nag-caroling
Nang may piring sa mata
Wala kang kita, lugi ka pa dahil 'di lang barya
Ang inaaksaya kundi kaluluwa
Wag kang mag-aalala, nauunawaan ka Niya
Wag ka nang maghimutok sapagkat ang pag-ibig sapat
Tinubos ka ng Diyos na tapat
Kaya naman, aking nalaman na pwede na palang labanan at
Mga nagawa kong kasalanan maaari ko nang kalagan
At kalimutan, talikuran
Sapagka't Ikaw Panginoon ang tumanggap
At humarap sa aking nakalaang kaparusahan at
Nagsilbi Ka na kabayaran, para sa aming kapabayaan
Puro sugat mong 'di mabilang
Mga luha'y di makita nang dahil sa dumanak na dugo
Nakita ko kung gaano Mo kamahal ang isang tulad ko
Buong puso at ang buhay inialay Mo
Binigay lahat sa ngalan ng Pag ibig Mo
Kasiyahan at ligaya ay makuha ko
Makasama ka sa langit at sa piling Mo
Patawarin mo Ko
Panginoon, Panginoon
Salamat at 'Yong pinatawad muli
Samahan Mong magsimula pong muli
(Tara na, Tara na)
Panginoon, Panginoon
Pagmamahal Mo'y di isasantabi
Ang Iyong kaligtasa'y ipagsasabi
Ito'y para sayo na lubha nang nabibigatan
At hirap sa pasanin
Matatagpuan mo rin ang pahinga at sagot sa mga suliranin
Ito'y para sayo na nagtatanong
Paano ka nga ba Niya papatawarin?
Nanghina ang alab ng puso 'pagkat kasalanan mo maya't maya rin
Pagbabayarin, kakawawain mo ang 'yong sarili
Mas pipiliin mo pang magpabaya rin
At lumayo na lang dahil sa 'yong palagay
Ay hindi ka Niya papatawarin
Kapatid, ang pag-ibig sa'yo ni Hesus kailanman hindi kakalawangin
Sobrang laki at malalim, 'di mo masukat at 'di mo rin kayang bilangin
Ang panalangin ko, kapatid, ay iyong mabatid
Kanyang walang patid na pagmamahal na 'di makitid
'Di kasya sa aking silid
Alugin at ikutin o itagilid, pag-ibig Mo saki'y umaaligid
Inipon Mong luha kong nangingilid
Pinunan Mo ang butas sa aking dibdib
Grabeng pag-ibig Mo, Panginoon!
Para sa akin noon at ngayon
Dapat kaming apuyan sa pugon
Ngunit pagmamahal ang Iyong tinugon
At sinabing, "Ama, sila po'y patawarin
'Pagkat di nila alam ginagawa rin."
Kami ang laman ng isip at damdamin mo
Habang ika'y duguang nakabitin
Grabe ang hirap isipin!
Ang Panginoon, ang Panginoon
Ay naghihintay sa'yong pagbabalik
At sasalubungin kang nananabik
Aking 'dinideklara, sa ngalan ng ating Ama
Ng Kanyang Anak, kasama ang Diyos na Banal
Na Espiritong sa'ting gabay
'Yang tanikala at kadenang bumalot sayo
Mga tali't piring mo ngayon
Ay aalisin at kakalasin, at papalayain ka Niya ngayon din
Marapat na Siya ay purihin
Panginoon, Panginoon
Salamat at 'Yong pinatawad muli
Samahan Mong magsimulang muli
Panginoon, Panginoon
Sa dilim ay 'di na magkukubili
At Sa'yong liwanag di papahuli

Credits
Writer(s): Jose Carlo Motita
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.