Ikaw Na

Umaga nanaman
Panibagong araw nanaman para umasa
Umaasa na ako'y bigyan mo ng prisensiya
Pero parang 'di kaya
Sige, bahala na

Mahigit isang taon na rin pala
Mula nu'ng una kang makita, napahanga ako
Hindi na maalis sa isip ko ang ngalan mo
Oh pare, delikado na 'to

Ba't ganito
Nakakabaliw na 'tong isipin
Nangangawit na ang aking panga
Sa kakangiti
'Di mo ba pansin
Na gusto kita?

Ikaw na
Ikaw na ang gusto kong makasama
Sa dulo ng lungkot o ng ligaya
Para kang isang tala
Oh, mahirap makuha
Ikaw na at ikaw pa rin mula nu'ng umpisa

Sana magising ka na
Hindi 'to panaginip na kailangan mong magduda
Ako ang gustong makita pagmulat ng mata
Oh sana, totoo na talaga

Ba't ka ganyan
Nakakabaliw ka nang isipin
'Di na mapakali sa tuwa
Alam mo na bang gusto kita?
Uulitin ko

Ikaw na
Ikaw na ang gusto kong makasama
Sa dulo ng lungkot o ng ligaya
Para kang isang tala
Oh, mahirap makuha

Ikaw na
Ikaw lang ang nais kong makapiling, oh tadhana
Tadhana na sana ako ang 'yong kasama
May pag-asa nga ba
O aasa na lamang na
Ikaw na sana kaso panaginip lang pala



Credits
Writer(s): Leila Mañalac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link