Love talk

N'ung unang kita ko sa 'yo, agad humanga
'Yung ganda mo, ako lang nakakita
Ang ibig kong sabihin, 'di ikaw pangmasa
May iba sa 'yo 'pag ika'y nakilala
Lumilitaw ka kahit 'di ka sumigaw
Habang ako nakatitig sa 'yong uhaw
Pasensiya kung baka tayo ay maligaw
Mata sa 'yo ayaw na atang bumitaw, yeah, yeah

Asahan mong mamahalin kita
Walang oras na 'di ka masaya
'Wag kang matakot, 'wag magpadala
Hawak kita, 'di ka na mag-isa
Iba ang vibe 'pag 'kaw kasabay
I feel alright, 'di ako sanay
Sana ngayon, 'di na maghintay
Iyong ngiti, 'di na mapatay

Tayong dalawa laban sa kanila
Ganu'n ako, turing ko sa 'tin ay isa
Medyo baliw pero ganu'n ako, sinta
Hindi papayag na awayin ka nila

Unti-unti akong nahuhulog sa 'yo
Na para bang bigla-bigla, sa totoo, hindi ko rin alam
Dali-dali akong nababaliw sa 'yo
Hindi ko maintindihan na para bang agham
Labis-labis kitang mahal, akala mo
Kilala na kita, ang puso ko lang ang may alam
Minsan-minsan lang may ganito
Laking pasasalamat ko ikaw na 'yung aking inaasam

Ey, simula nu'ng nakilala kita
Muli mong binuksan ang agos ng init kong dala
Gusto ko na muli na galawan ang aking pangarap
Magkaroon ng paraiso habang ika'y yakap
Ako 'yung tipo ng lalaking laging sinasagad
Medyo malibog, oo, pero respeto ang hangad
Hindi ako 'yung tipo na laging nagmamagaling
Pero 'di mo matatangging malakas aking dating, sheesh



Credits
Writer(s): Marq Mutia Aljo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link