Nakalaan

Nagtatanong kung bakit
Hindi nagkasundo ang mga puso
Ginawa naman ang lahat
Ngunit 'di pa rin naging sapat

Lahat ng bagay ay may dahilan
Pati ang kanyang paglisan
Ngunit 'wag kang mangamba, dahil

May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo
Mula sa Maykapal, sagot sa 'yong dasal
May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo
Hahanapin at paiibigin ka, sasamaha't aalagaan ka
Dahil ikaw ang nakalaan sa kanya

'Wag mo na sanang sayangin
Ang mga panahon sa saya ng kahapon
Ulit-ulitin man ito sa isipan ay
Wala rin itong patutunguhan, oh

Lahat ng bagay ay may dahilan
Pati ang kanyang paglisan
Ngunit 'wag kang mangamba, dahil

May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo
Mula sa Maykapal, sagot sa 'yong dasal
May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo
Hahanapin at paiibigin ka, sasamaha't aalagaan ka
Dahil ikaw ang nakalaan sa kanya

Ikaw rin ay muling sasaya
Ikaw rin ay muling magbibigyan ng halaga, oh

May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo
Mula sa Maykapal, sagot sa 'yong dasal
(May isang nakalaan, nakalaan sa 'yo)
Hahanapin at paiibigin ka, sasamahan at aalagaan ka
Dahil ikaw ang nakalaan sa kanya



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link