Liwayway

Sa gabi
'Di makatulog kakaisip ng sanhi
Sa pighating dinudulot ng
Oras na 'di nahabol
Hindi ko na alam kung saan patungo
Saan tutungo

Oh liwayway
Simulan mo
Simulan mo ang bukas ko
Sinagan mo ako

Oh liwayway
Gabayan mo
Gabayan mo ang landas ko
Patungo sa dulo

At ngayon
Nilalabanan ang pagluha
Nang damhin ang kinabukasang 'di mapanatag
Hinihiling ko lang na sana'y di na mapait
At madilim ang darating na bukas

Oh liwayway
Simulan mo
Simulan mo ang bukas ko
Sinagan mo ako

Oh liwayway
Gabayan mo
Gabayan mo ang landas ko
Patungo sa dulo

Saksi ang langit at bituin
Sa mga himig at tinig
Na tila ba'y walang pakialam
Sa ating tadhana
Sana hindi magsisi
Ayoko nang manisi
Nasaan ka, nasaan na

Oh liwayway
Simulan mo
Simulan mo ang bukas ko
Sinagan mo ako

Oh liwayway
Gabayan mo
Gabayan mo ang landas ko
Patungo sa dulo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link