Hanggang Sa Huli

Mula nang makilala ka
Payapa ang hatid ng 'yong pagsinta
Ang buhay ko ay nag-iba
Nabigyan ng tamis ang dating timpla

At ngayo'y nandito na
Di na muling mag-iisa

Habang buhay mong hawakan ang aking mga kamay
Sabay natin abutin ang bukas na walang kapantay
Hindi na muling mag-iisa
Nandito ka na, dito hanggang sa huli

Sa sulyap ng 'yong mga mata
Nahanap ang bagong dahilang sumigla
Mahiwaga and nadarama
Sa bawat segundong kasama kita

Takot ay napawi na
Ng pag-ibig mo sinta

Habang buhay mong hawakan ang aking mga kamay
Sabay natin abutin ang bukas na walang kapantay
Hindi na muling mag-iisa
Nandito ka na, dito hanggang sa huli



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link