Mamamatay Yata Kong Single

Mamamatay yata 'kong single
Wala na nga 'kong pera, 'lang-hiya, talo pa 'ko sa mukha
Nakaka-bad trip talaga

Ayaw niyo ba 'kong jowa?
Ano ba ang kailangan 'kong gawin para ako'y mahalin
I-"mine" niyo na 'ko ngayon din

Lahat ng dating app, na-install ko na, may Tinder at may Bumble na
May Omegle at Grindr pa
Sumulat na 'ko ng kanta, wala pa ring nagbabadya
Habang-buhay yatang mag-isa

Ako na yata ang problema, tatanda akong mag-isa
Wala sa 'king gustong sumama, nakakasawa talaga
Oh, pangit na aking ugali, pangit pa aking mukha
Lumalayo sa 'kin lahat, nakaka-bad trip talaga
'Di ko rin alam kung bakit ba gan'to
Natatakot na 'ko, mamamatay yata 'kong single

Buong buhay na 'kong third wheel
Hanggang kailan ba 'ko ganito? Nakakaalarma 'tong gan'to
Sinumpa 'ata ako

Ako na lang 'yung walang jowa
Lahat sila'y may asawa't mga anak na, habang ako, nag-iisa
Palamunin na, puyat pa

Oh, lahat ng dating app, na-install ko na, may Tinder at may Bumble na
May Omegle at Grindr pa
Sumulat na 'ko ng kanta, wala pa ring nagbabadya
Habang-buhay yatang mag-isa

Ako na yata ang problema, tatanda akong mag-isa
Wala sa 'king gustong sumama, nakakasawa talaga
Oh, pangit na aking ugali, pangit pa aking mukha
Lumalayo sa 'kin lahat, nakaka-bad trip talaga
'Di ko rin alam kung bakit ba gan'to
Natatakot na 'ko, ooh

Baka wala talagang para sa 'kin, para sa 'kin
O baka talagang dapat lang sarili ko na ang unahin, unahin, unahin

Ako na 'ata ang problema, tatanda akong mag-isa
Wala sa 'king gustong sumama, nakakasawa talaga

Ako na yata ang problema, tatanda akong mag-isa
Wala sa 'king gustong sumama, nakakasawa talaga
Oh, pangit na aking ugali, pangit pa aking mukha
Lumalayo sa 'kin lahat, nakaka-bad trip talaga
'Di ko rin alam kung bakit ba gan'to
Ayoko rin namang habang-buhay lang gan'to
Natatakot na 'ko, mamamatay yata 'kong single

Mamamatay yata 'kong single



Credits
Writer(s): Eugene Layug
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link