Malabo

Nalilito pa rin hanggang ngayon
Dumedepende lang sa sitwasyon
Halo halo mga emosyon
Kailangan bang mangyari 'to?

Di naman kailangan umasa
Bawat senyales ako'y umaasa pa rin
Na babalik ang isang tulad mo
Kahit na malabo na

Hindi tayo pero yakap mo 'ko
Hindi tayo pero didikit mga labi
Ayoko ng maglaro
Napapagod din ako
Lalo't lagi naman talo

Mas mabuti na ako'y lumayo
Wala nang iisipin pang iba
Uunahin muna ang sarili
Bago ang iba ahh

At hindi ito ang Solusyon
Lalo't hindi ito ang gusto
Pero ito ang nararapat na gawin natin dal' wa

Hindi tayo pero yakap mo 'ko
Hindi tayo pero didikit mga labi
Ayoko ng maglaro
Napapagod din ako

Nanahimik sa isang tabi
Iniisip ang pagkatalo
Ayoko na maglaro
Pero masanay din ako
Lalo't lagi naman talo

Oohhhh

Kung di' ka sana lumayo
Edi sana lumalaban pa rin
Hindi Kailangan mag-isip
Mananatili kung mananatili
Mahirap magkamali
'Di alam kung ano ang resulta
Magiging resulta

Ohhh

Hinihiling na babalik
Ang isang tulad mo para sa'kin
Itutuloy pangako at baka maiwan
At hindi magawa



Credits
Writer(s): Ag Esprescion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link