Huli Na

Namamanhid na sa ginaw at wala nang init
Alam kong pati ikaw di na matahimik
Puso ay sumisigaw, di na kaya ng isip
Ayaw ko nang iligaw, bakit ipipilit?
Kung said na ang lahat, lahat ng pag-ibig
Ako na'ng maglalakas ng loob itigil
Ng isang sakit na lang at isang isipin
Kailangan lang naman natin marinig sabihin na (Oh)

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh-oh

Nag-aalala na lamang ang pagmamahal ay wala na
Na papakatapat sa ngalan ng kapayapaan ng utak, ah
Yaw na kitang hilahin palapit, sabihin mo nang tinutulak
Kaysa parehong malubog pa sa lusak ng mga sagutang
di kaya ng usap
Kasi 'sang katutak na ang dahilan
Sa halip na mali ang hanapin ay makakabuti sa atin
At di na natin makita, kung di na tayo magkikita
Kasi sa aking palagay ay wala nang pahinga,
makakaalis ng bigat
Makinig ka baka kaya yung pagkakalas natin sa'ting
dalawa ay hindi naman makakasira kasi

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh-oh

Kahit na isang beses lang (Oh-ooh-ooh)
Kahit na isang beses lang (Oh)
Ako ba'y iyong pakikinggan?
Isang beses lang para maliwanag

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh-oh



Credits
Writer(s): Daryl Ruiz, Melvin Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link