PAALAM

Tignan mo ako sa huling pagkakataon
Baka sakaling maalala mo
Pangakong binitawan na ako'y 'di iiwanan
Panghabang-buhay pala sa 'yo'y may hangganan
Iwanan mo man lang ako ng dahilan

Mahirap ba akong mahalin?
Pipilitin na isipin na hindi ka para sa 'kin, dahil

Kasabay ng paglisan mo ang pagbulong ng ngalan mo
Kaligayahan mo lamang ang tanging panalangin ko
Iwanan mo man lang ako ng dahilan

Mahirap ba akong mahalin?
Pipilitin na isipin na hindi ka para sa 'kin, dahil
Hindi lahat ay mananatili
Panandalian kong tahanan, 'di ka na mahihirapan, sinta
Pinapalaya, pinapalaya ka na
Pinapalaya ko na'ng sarili

Pipilitin na isipin na hindi ka para sa 'kin, dahil
Hindi lahat ay mananatili (mananatili)
Panandalian kong tahanan, 'di ka na mahihirapan, sinta
Pinapalaya ka na

Hmm
Oh, oh



Credits
Writer(s): Carlo Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link