Kaylinaw

Oh, oh

Kung titingnan sa 'yong mga mata
Ang ganda mong walang pinagkaiba
Sa mga talang kumikinang ng kakaibang
Liwanag na mahirap ipaliwanag

Pagmamasdan na lamang ba
Itong damdamin na nais kong mawala
Tinitingnan kung may pag-asa ba (kung may pag-asa ba)
Ngunit malabo, parang malayo, magkagusto

Kung 'di papalarin
Hindi na pipiliting silipin
Sana'y dinggin kahit 'di na hingin ang pagtingin

Nagbabakasakaling baka dalhin ng hangin
Ang aking bawat hiling (ang aking bawat hiling)
Saan pa ba patungo kung ang lugar ng puso'y sa 'yo
Tumatakbo at wala nang balak pang huminto nito

Kung 'di papalarin
Hindi na pipiliting silipin
Sana'y dinggin kahit 'di na hingin ang pagtingin

Saan at paano?
Maglalakad ba rito?
Tadhana ay malayo
Walang daan patungo

Saan at paano?
Maglalakad ba rito?
Tadhana ay malayo
Walang daan patungo
Kung 'di, 'wag na lang, 'di na lang

Kung 'di papalarin
Hindi na pipiliting silipin
Sana'y dinggin kahit 'di na hingin ang pagtingin

Kay linaw ng aking iniisip
Ngunit ito'y isang kathang-isip lang



Credits
Writer(s): Miguel Rey Valid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link