Tao Lang Ako

Kailangan kong lumayo
Para sa 'yo, mahal ko
Hirap ko'y 'di iindahin
Lahat ito ay gagawin

Kahit na sa paglipas ng mga araw
Dilim ang sumasalubong sa aking tanaw
Damdami'y pipigilin upang hindi mauhaw
Sa 'yong ngiti, sa 'yong yakap at sa bawat galaw

Pero tao lang ako at 'di ko mapipilit
Ang sarili maging manhid
Tao lang ako at 'di ko mapipigil
Ang sarili humiling
Sana'y nandito ka, sana'y nandito ka

Kailangan kong gawin 'to
Kapalit man ay sa piling mo
Lungkot ko'y 'di iindahin
Lahat ito ay gagawin

Kahit na sa paglipas ng mga araw
Dilim ang sumasalubong sa aking tanaw
Damdami'y pipigilin upang hindi mauhaw
Sa 'yong ngiti, sa 'yong yakap at sa bawat galaw

Pero tao lang ako at 'di ko mapipilit
Ang sarili maging manhid
Tao lang ako at 'di ko mapipigil
Ang sarili humiling
Sana'y nandito ka, sana'y nandito ka

Wala nang magagawa
Kung pwede lang hindi sana
Kung pwede lang nandito ka, sana ay nandito ka
Pero ganyan talaga, ganyan talaga

Kasi tao lang ako at 'di ko mapipilit
Ang sarili maging manhid
Tao lang ako at 'di ko mapipigil
Ang sarili humiling

Kasi tao lang ako at 'di ko mapipilit
Ang sarili maging manhid
Tao lang ako at 'di ko mapipigil
Ang sarili humiling
Sana'y nandito ka, sana'y nandito ka

Sana'y nandito ka, sana'y nandito ka



Credits
Writer(s): Josephine Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link