Mhine

Nung una kang makilala
Binigyan mo ng pag-asa
Ang buhay ko'y bigla nang nagbago
Dahil sa'yo ang puso ko'y natuto
Ikaw na sana siyang dalangin
Ko sa may Maykapal

Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako
Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw saking mundo

Nung unang beses masilayan ko
Ang iyong kagandahan
Na parang merong tumulak
At hindi nag-alinlangan
Nang pasukin ng tadhana tayo'y pinagtagpo
Ngunit hindi magagawang sayo'y hindi makipaglaro
At tinatag saking isipan na lahat ay gagawin
Para sayo aking sinta upang iyo'y mahalin
Ang katulad kong umasa na ika'y dumating
Sa aking puso at sana'y malayo ang marating
Ika'y pangarap ko saking buhay
Sana'y tanggapin mo

Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako
Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw saking mundo

Pinapangarap ko sa buhay na ako'y mahalin
At ang awitin kong ito sana naman ay dinggin
Upang iyong mapansin
Pagkat nagpapapansin
Ang mawala ka sa piling ko kay hirap tanggapin
Dalangin ko sa Maykapal sana'y ikaw na nga
Ang makasama ko sa buhay at sa'king tadhana
Upang iyong madama
Pagmamahal ko sinta
Pinapangako ko sayo na di ka na luluha dahil

Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako
Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw saking mundo

Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako
Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw saking mundo



Credits
Writer(s): Repablikan Syndicate
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link