Pasasalamat

Kahit may kahinaan ako
Ako'y pinili Mo
Kahit na tumalikod ako
Ako'y inibig Mo
Hindi man ako karapat-dapat sa pagmamahal mo
Sa pag-ibig Mo
Tinanggap Mo ako, O Panginoon ko
Damang-dama ko ang kalinga at biyaya
Salamat sa Iyo, sa kabutihan mo
Walang hanggang pasasalamat
Alay ko sa 'Yo
Kahit na ako'y may pangamba
Niyakap Mo ako
Kahit ako'y nangungulila
Saya ang handog Mo
Hindi man ako karapat-dapat
Sa pagmamahal Mo
Sa pag-ibig Mo
Tinanggap Mo ako, O Panginoon ko
Damang-dama ko ang kalinga at biyaya
Salamat sa Iyo, sa kabutihan Mo
Walang hanggang pasasalamat alay ko
Tinanggap Mo ako, O Panginoon ko
Damang-dama ko ang kalinga at biyaya
Salamat sa Iyo, sa kabutihan Mo
Walang hanggang pasasalamat
Alay ko sa 'Yo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link