Omali

Oo mali ka, 'di mo ba kita
Kung akala mo sa'tin ay walang nag-iba
Nasabik ka, oh nasabik ka
Sa dati, bakit 'di ka makawala
Oh hindi na, talagang 'di na
Maibabalik ang ating dating nawala
Nabatid na, 'king nabatid na
Sa atin, tayo'y walang mapapala

Pero 'la kang natutunan
Maling pinaabot pa sa aking sukdulan

Walang isasalba, lahat ay 'di na tama
Ika'y walang magagawa kahit pa ang tadhana
Ibibigay ang lahat nang 'di na bumalik pa
Kung saan ako ay nasa bingit na

Sana 'di na lang umulit
Tangang pag-ibig ko sayo'y pinilit
Dala-dala mo lang pala'y sakit
Isa kang bagyo sa araw kong tirik

Pero 'la kang natutunan
Paikot-ikot parang tsubibo, 'yan ang nalaman at natutunan
Pero 'la kang natutunan
Maling pinaabot pa sa aking sukdulan

Walang isasalba, lahat ay 'di na tama
Ika'y walang magagawa kahit pa ang tadhana
Ibibigay ang lahat nang 'di na bumalik pa
Kung saan ako ay nasa bingit na

Sapagkat natangay ng aking kalungkutan
Mga pangambang 'di mo natuldukan

Walang isasalba, lahat ay 'di na tama
Ika'y walang magagawa kahit pa ang tadhana
Ibibigay ang lahat nang 'di na bumalik pa
Kung saan ako ay nasa bingit na

Nasa bingit na
Nasa bingit na
Nasa bingit na
Nasa bingit na



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link