Pagbitaw

Naririnig mo ba?
Ang tawag ng tadhana?
Inukit ng panahon
Ang lahat ng galos
Ang pagtingin ay mapanlinlang
Mapanlinlang
Malayo ang tingin
Maraming iniisip
Sa tuwing ika'y lumilipad sa panaginip
Yakapin mo ako
Wag kang lalayo
Bakit heto tayo sa dulo ngayon?
Isang gabi na lang
Di ko namalayang
Lumipas ang panahon
Nag-iba ang agos
Dito ka na muna
Konting sandali pa
Pagbibigyan pa ba?
Malayo ang tingin
Maraming iniisip
Sa tuwing ika'y lumilipad sa panaginip
Yakapin mo ako
Wag kang lalayo
Bakit heto tayo sa dulo ngayon?
Tinanggap kong lahat
Pati rin pagkukulang
Pag-ibig na hindi nakakapanghinayang
Nandito lang ako
Di magbabago
Bakit heto tayo sa dulo ngayon?
Ang sabi ko
Hindi ako magsasawa
Ang sabi ko
Hindi ako mapapagod
Hayaan mo lang akong mahalin ka
Tumigil ang mundo
Pagod na ang mga puso
Hindi na tayo ang pahinga
Ng isa't-isa
Sinuko ko na lang
Lahat ng paghihirap
Siguro nga'y hindi sapat mga pangarap
Pinilit mo akong
Bumitaw sa'yo
Kaya heto tayo sa dulo ngayon
Naririnig mo ba?
Ang tawag ng tadhana?
Paalam na mahal ko
Ika'y pinapalaya



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link