Kailan?

Kailanman, 'di ko maiisip
Ang mundong walang ikaw
Tatandang lugod kasama ka
At kahit na kailan, mamahalin kita

Oh, kay bilis ng takbo ng panahon
Walang nananatili sa mga kahapon
Umiiyak na lang sa mga litrato
At muli, napapaisip

Kailan mo naramdaman
Na 'di mo na ako mahal? (Na hindi na "ako" mahal?)
Pa'no mo nalaman
Na hindi magtatagal? (At kaya mong pakawalan?)

Kasi paulit-ulit ko namang 'pinaparamdam sa iyo
Sa puso ko, ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
(Hindi ko man lang alam) hindi ko man lang alam
Kailan ko malalaman?
Bakit mo papakawalan ang sabi mong walang-hanggan?

Kay tagal ko rin na naghintay
Nalulungkot bawat saglit
Ang dami ng kuwentong nais kong sabihin
Hindi ka na nakikinig, hindi ka na kinikilig

Oh, kay bilis ng takbo ng panahon
Walang nananatili sa mga kahapon
Ngumingiti na lang sa mga litratong
'Di ko na mababalikan

Kailan mo naramdaman
Na 'di mo na ako mahal? (Na hindi na "ako" mahal?)
Pa'no mo nalaman
Na hindi magtatagal? (At kaya mong pakawalan?)

Kasi paulit-ulit ko namang 'pinaparamdam sa iyo
Sa puso ko, ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
(Hindi ko man lang alam) hindi ko man lang alam
Kailan ko malalaman?
Bakit mo papakawalan ang sabi mong walang-hanggan?

Kasi paulit-ulit ko namang 'pinaparamdam sa iyo
Sa puso ko, ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
(Hindi ko man lang alam) hindi ko man lang alam

Paulit-ulit ko namang 'pinaparamdam sa iyo
Sa puso ko, ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
(Hindi ko man lang alam) hindi ko man lang alam



Credits
Writer(s): Richard Jason De Mesa, Viktor Nhiko Sabiniano, Ralph William Datoon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link