Wag Mong Sabihin

Nag bago ang mundo
Nung naging tayo
'Di na naghanap ng iba
Sa'yo ako'y kuntento na
Ang akala ko'y walang katapusan
Bakit nag-iba?
Wala na ba akong magagawa?
Bakit ka biglang nagsawa

Huwag mong sabihin
Kung ako'y di mo na mahal
Mabuting ilihim sa'kin kahit masaktan
Handa kitang ipag-laban
Magbago man ang 'yong nadarama
Ako sa'yo'y di mag-iiba

Ooh, ooh-ooh-ooh

Pipilitin kong ibalik sa'yo
Masaya nating nakaraan
Ni minsan, 'di tinabangan
Kung kailangan simulan mula umpisa
Kung nag kulang man
Hiling ko lang, muli mong pagbigyan
Ang ating, pagmamahalan

Huwag mong sabihin
Kung ako'y di mo na mahal
Mabuting ilihim sa'kin kahit masaktan
Handa kitang ipag-laban
Magbago man ang 'yong nadarama
Ako sa'yo'y di mag-iiba

Sa'n ba napunta ang pag-ibig? (Oh)
Napagod na ba ang damdamin?
Wala namang nagawang kasalanan sa'yo
Bakit ba nagbago kang bigla? Oh

Huwag mong sabihin
Kung ako'y di mo na mahal
Mabuting ilihim sa'kin kahit masaktan
Handa kitang ipag-laban
Magbago man ang 'yong nadarama
Ako sa'yo'y di mag-iiba

'Wag mong sabihin



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Jeremy Eriq Glinoga
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link