Dalawampu't Apat

Magkasama sa hirap at saya
Mula ngayon hanggang sa tayo'y tumanda
Mahal kita

Di ko hilig ang sumulat sa 'yo
At magbuhos ng damdamin ko
Ilang ulit nilukot ang
Dalawampu't apat na liham ng pag-ibig ko

Ngunit tila ngayong sandali
Lahat ng pagdududa ay naglaho na sa 'yong ngiti

Pag-ibig, pag-ibig ang nakikita ko
Buong ako'y nangangako
Ibibigay ang sarili ko sa 'yo

Halika na't 'wag kang matatakot lalaban tayong dalawa
Magkasama sa hirap at saya
Mula ngayon hanggang sa tayo'y tumanda
Mahal kita

Matagal tagal na rin
Mula nang hingin ko ang kamay mong tila gawa para sa 'kin
At kahit na ika'y nasa harapan pa
Hindi pa rin ako makapaniwala

Ngunit giliw, ngayong sandali
Lahat ng pagdududa ay naglaho na sa iyong ngiti

Pag-ibig, pag-ibig ang nakikita ko
Buong ako'y nangangako
Ibibigay ang sarili ko sa 'yo

Halika na't 'wag kang matatakot lalaban tayong dalawa
Magkasama sa hirap at saya
Mula ngayon hanggang sa tayo'y tumanda

Halika na't 'wag kang matatakot lalaban tayong dalawa
Magkasama sa hirap at saya
Mula ngayon hanggang sa tayo'y tumanda

Magkasama sa hirap at saya
Mula ngayon hanggang sa tayo'y tumanda
Mahal kita



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link