Halusinasyon.

Sino 'bang dapat na sisihin?
Lagi nalang bang merong mali?
Bawat galaw iyong sinusuri
Lagi nalang bang merong mali?
Isantabi

Pero wag muna ngayon
Di ko pa kayang walang komunikasyon
Di ko pa kayang malimutan ang taon
Taon na pagsasama ugh ganun na lang ba yon?

Yeah alam ko ang rason
Kasalanang di mahuhugasan ng sabon
Mga sugat na pinagamot sa panahon
Kung ganon na lang ba yon osige osige
Lahat to idadaan nalang sa tulog at sinde

Oh maria alisin mo nalang ang sakit na
Hindi ko mainda sa tuwing sasapit ang gabi
Aanhin ko pa ang alak at ang tama
Para makalimot
Kung sa utak ko naman ikaw nakatabi

Sino 'bang dapat na sisihin?
Lagi nalang bang merong mali?
Bawat galaw iyong sinusuri
Lagi nalang bang merong mali?
Isantabi

Kung oras lang ang lunas pagdating ng panahon
Di mo na ko maipinta
Kakayanin mo pa ba ako tyagain at kahit na
Magigising na lamang bigla
Nawala na at wala na
Di ka na kasama magising katabi ko sa kama wala ng
Dahilan pa para magtiis
Umalis na lang ata ang dapat na gawin

Kung sakali na magbago
Kung kayang inumin binuo natin na lason
Pumunta dito sa kwarto
Sabay natin tunggain ang mahiwagang baso

Sino 'bang dapat na sisihin?
Lagi nalang bang merong mali?
Bawat galaw iyong sinusuri
Lagi nalang bang merong mali?
Isantabi



Credits
Writer(s): Cliff Gerald Resterio, June Lander Briones
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link