Liwanag

O' kay dilim ng paligid
Walang anumang ilaw na masilayan
Tanging sakit at lumbay lamang ang maramdaman
Wala ba itong katapusan

Kailan kaya maaaninag
Kanino ba matatagpuan

Ikaw ang liwanag sa madilim kong mundo
Sa gitna ng hirap at gulo
Kailanmay hindi ka nagbago
Panginoon ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang natatanging liwanag ko

Ika'y lagi kong kasama
Hindi bumitaw kailanpaman
Ang iyong kamay ang gabay
Papalapit sa nag-bigay ng buhay

O akin nang nasisilayan
Sayo lamang matatagpuan

Ikaw ang liwanag sa madilim kong mundo
Sa gitna ng hirap at gulo
Kailanmay hindi ka nagbago
Panginoon ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang natatanging liwanag ko

Tapos na ang dilim
Liwanag mo'y magniningning
Mga tanong sa puso ko'y
Nabigyan mo ng kasagutan
Liwanag mo ang hahanapin
Patuloy kang kikilalanin
Hesus maghari ka sa buhay ko

Ikaw ang liwanag sa madilim kong mundo
Sa gitna ng hirap at gulo
Kailanmay hindi ka nagbago
Panginoon ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang natatangi
Ikaw ang natatangi
Ikaw ang natatanging
Liwanag ko
Liwanag ko



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link