Bumalik

"99"

Bumalik ka na sa akin, please, 'wag ka nang magdrama pa
Alam kong ika'y naiinis, ayusin hangga't kaya pa
Bumalik ka na (bumalik ka na)
Bumalik ka na (bumalik ka na)

Masyado lang mababaw ang mga problema natin
Puwede lang natin 'tong pag-usapan at ayusin
Mas gusto ko ngayon, 'wag na nating patagalin
Mahal kasi kita kaya ayaw ko 'tong tapusin
Kaya 'wag ka nang magtampo pa diyan
Gusto ko lang naman ako'y iyong balikan
Sabik na kasi akong mayakap, mahalikan
Mag-aaway lang tayo, pero hindi kita iiwan
Na-na-na-na

Bumalik ka na sa akin, please, 'wag ka nang magdrama pa
Alam kong ika'y naiinis, ayusin hangga't kaya pa
Bumalik ka na (bumalik ka na)
Bumalik ka na (bumalik ka na)

Sana'y madinig mo 'to, may sasabihin lang ako
Inaalay ko 'tong sulat sa nangyari, ayusin natin to
Matagal-tagal na rin kung iyong tatantiyahin
Langong-lango sa alak para mabalik 'yung dati, wala pa rin

Kung ibabalik 'yung dati, sana'y makinig na lang
Paulit-ulit sumasagi sa 'kin 'yung nakaraan
Maluha-luha sa gilid no'ng sinabi mong "We're done"
Ikaw pa rin nilalaman ng puso, taon ma'y magdaan
Alaala'y 'di mabubura, ilang beses man na masuka
Dededmahin nangangamusta, walang iba, ikaw lang talaga, uh

Bigyan sana ng pagkakataon
Na masabi kung maaaring

Bumalik ka na sa akin, please, 'wag ka nang magdrama pa
Alam kong ika'y naiinis, ayusin hangga't kaya pa
Bumalik ka na (bumalik ka na)
Bumalik ka na (bumalik ka na)

Ginawa ko na lahat, pero 'di pa rin sapat
Ang mga sinakripisyo ko na oras para lamang maiayos
Ang ating nasimulan, 'wag na sanang tanggihan
Ginawa ko na lahat para lamang iyong maintindihan

Na 'di ko makakayang kalimutan ka
Madami tayong alaalang maganda
Inaalala ko parati pa'no ka mag-alala sa akin
Pero ba't ngayon, hindi mo maalala?
Ba't kailangan pang tapusin? Baka puwede pang ayusin
Ikaw pa rin ang iibigin, ano man kanilang sabihin
Ikaw pa rin ang iibigin, yeah

Bumalik ka na sa akin, please, 'wag ka nang magdrama pa
Alam kong ika'y naiinis, ayusin hangga't kaya pa
Bumalik ka na (bumalik ka na)
Bumalik ka na (bumalik ka na)



Credits
Writer(s): Christian Dave Palapas, John Carlos Auxillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link