Tag-ulan

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama
'Di malaman saan tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung sa'n babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika'y nalulumbay, 'di maka-kita
Nais mo na may makasama
Sa 'yong lungkot akala mo ika'y nag- iisa
Narito ako't kapiling ka

Kung nais mong ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan bumuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag- iisa
Kaibigan
Kaibigan

Kay rami nang mga tanong sa 'yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagka-ganoon ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa akin, 'di ko alam

Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong maga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa

Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan
Kaibigan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong maga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa
Kaibigan
Kaibigan



Credits
Writer(s): Wency Cornejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link