Astronaut/Gumagalaw

Masyado kang malawak
Ang hirap mo hanapin
Ayaw kong mapahamak
Ngunit gustong kayanin ang pagsubok
Na sa dulo'y walang hanggan

Ooh, oh-whoa-oh

Oh, kahit na sobrang dilim, sobrang lamig
At natatakot na 'ko, ayos lang na mabaliw
Basta maramdaman ko lang ang init na 'yong bigay sa 'kin
Bituin ang tingin sa 'yo

Oh, yeah

Nagpapalutang-lutang nang dahan-dahan
Para maabot at 'ka'y mahagkan
Tatlong porsyento ng hangin ang natitira sa akin
Maililigtas mo lang ako, bibig sa bibig

Lawak mo'y lalanguyin (lalanguyin), lalakbayin (lalakbayin)
Hindi na matatakot, ikaw ay sasambahin (sasambahin)
Katawan mo lang ang tanging nagbibigay ng init
Bituin ang tingin sa 'yo (sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo)
Sampung libong buwan ang nakakita sa liwanag mo

'Wag mo nang 'tanong kung bakit lagi lang sa 'yo lalapit
Galing lang ako sa lupang gusto sa 'yo magpadagit
Naligaw sa kawalan, 'yun pala ay katawan mo
Ang eksaktong hinahanap ko na pagdadaungan

(Ooh) nilagpasan ang langit upang makilala
'Di lang pala sa lupa mayro'ng biyaya
Teritoryo mo ay kalawakan
Pero aking kinakaya

Kahit na sobrang dilim, sobrang lamig
At natatakot na 'ko, ayos lang na mabaliw
Basta maramdaman ko lang ang init na 'yong bigay sa 'kin
Bituin ang tingin sa 'yo

Oh-yeah

Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah-yeah-yeah, oh

'Kala ko panandalian lang iyan (lang iyan)
Ngunit ang mga kilos mo'y 'di na tama
Tapos ang sakit mo na ngang pakinggan (pakinggan)
Mga pekeng salita at mga tawa

Yeah, halik na dati ay sabik tayong dalawa
Ngunit ngayo'y pinupunasan
Mga masayang araw na hindi mo na natatandaan

Yeah-oh-whoa, ba't bigla ka na lang d'yang hindi gumagalaw?
Oh, whoa, matagal ka nang tinitingnan, tinatanaw
Nawala mga ngiti, 'di ka naman na ganyan
Naging estatwa ka na lang, biglang wala ka nang alam
Whoa-oh, ba't bigla ka na lang d'yang hindi gumagalaw?
'Di gumagalaw

Bakit 'di mo na lang ako palitan
Kung sa akin ikaw nama'y magsasawa?
Mas gusto ko pang ako'y paglaruan
Kaysa marinig ang ungol mong gawa lang

Ang galing, bakit ang bilis?
Kanina lang tayo sa kwarto ay nagtatawanan
Lahat ba ng pinakita mo sa akin ay hindi totoo? (Totoo)

Whoa, ba't bigla ka na lang d'yang hindi gumagalaw?
Oh, whoa, matagal ka nang tinitingnan, tinatanaw
Nawala mga ngiti, 'di ka naman na ganyan
Naging estatwa ka na lang, biglang wala ka nang alam
Whoa-oh, ba't bigla ka na lang d'yang hindi gumagalaw?
'Di gumagalaw



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link