Bakasyon Grande (Wishclusive)

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwariwari wariwap
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwariwari wariwap

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Sarap tumambay sa ilalim ng luntiang puno
Habang may mga ibong nag aawitan
At sa di kalayuan may mga matatanaw pang bulaklak
At halaman na tila sumasayaw

Sumasabay sila sa saliw ng tugtugin
Na dulot ng banayad na haplos ng hangin
Ang batis ay malinaw pwede pang mag tampisaw
Habang sa ulap nakadungaw na si haring araw

Pwede rin sa dagat tayong magpunta
Nag aabang na ang buhangin na humalik sayong paa
Dalampasigan ay kinakamusta ka
Antagal nyang di nakita ang ngiti sayong mga mata

Pag lubog ng araw sya nama'ng sumilip
Liwanag ng buwan parang tagpo sa panaginip
Tanglaw din natin ang apoy na pampainit
Habang humihingi ng payo sa mga bituin sa langit

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Halina't ating akyatin ang ibabaw ng bundok
Habang minamasdan ang hiwaga ng hamog
Paligid na maginaw, medyo nakakaantok
Mag titimpla na'ko ng kape sabay magpapausok

Ilabas mo na ang gitara, maglatag ng lamesa
Habang may nag iihaw ng Lliempo at Tilapia
Toldang sisilungan, pwede nang tulugan
Saan kaya pwedeng isabit ang bitbit na duyan?

Huwag sanang sasanggi, sa isip umuwi
Dito sa paraiso gusto sana'ng mag lagi
Huwag mag alala kung kapos sa salapi
Kung sa tunay na kaibigan ikaw ay bawing bawi

Kahit pa naka kotse, motor, barko, eroplano
Mas ok nga siguro kahit na hindi mag plano
Ipagpaliban mo na muna ang 'yong trabaho
Sa sobrang sipag mo kailangan mo ng ganito

Woah ohh
Kaya samahan mo ako
Kaya samahan mo ako
Iwanan natin ang gulo

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Samahan mo kong magbakasyon
Mag bakasyon tayo ng buong taon
Kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon
Mag relax at magsaya ang tangi nating misyon

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwariwari wariwap

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwari-wariwap chuwariwap-pa
Chuwariwari wariwap



Credits
Writer(s): Kevin Kirque Jason Ayes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link