Ayoko Na

Ayoko na, ayoko na, ayoko na

Kailangan pa ba natin pag-usapan
O pipiliin pa na mahirapan?
Sisigawan lahat ng nangarapan
Paulit-ulit nang napagganapan
Pero para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na (oh)
Para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na

Tapos na ang lahat, hindi na puwedeng ibalik
Nakakasawa na mga halik na masakit
Pinilit ding inuhit, ang ganda ng pagsasama
Na sana balang araw, maiharap kita sa may dambana

'Di na puwedeng ibalik
Mga panahon natin, puro sakit lang ang balik
At hindi na dapat pag-usapan
'Di mo nga maunawaan, kaya ganyan ang salita mong iniwanan

Kaya lalong lumalala
Wala na tayong pagmamahal sa isa't isa
Ano ba talaga? Ano ang gagawin?
Mabuti na lang gusto ko pang maglasing

Paulit-ulit na lang nga ang mga 'yan
Puwede bang tama na lang sa walang katuturan
Kung tayo'y magsasama pa'y 'di bale na lang
Kasi ayaw ko na sa 'yo kaya paalam na lang

Kailangan pa ba natin pag-usapan
O pipiliin pa na mahirapan?
Sisigawan lahat ng nangarapan
Paulit-ulit nang napagganapan
Pero para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na (oh)
Para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na

Tapos na ang lahat, wala nang puwedeng bumalik
Tuldukan ang nakaraan, 'di na puwedeng masakit
Sadyang mapalaro ang kapalaran
'Di sinasadya na tayo ay magkasakitan

Kalimutan na ang mga nabuong pangarap
Ibaon kung sa'n hindi mahahanap
Pinagtagpo ng kapalaran
Maayos na nagsama, 'di rin nagtagal, unti-unti na rin nagsawa

Unti-unting nagbago, unti-unting naglaho
Ang dating pagtingin, unti-unti na rin naglaho
Malabo na ang dapat na ang dapat pag-usapan
Wala na at wala nang dapat pa na pag-usapan

Alam mong 'di na dapat ang mga ganito
Kung 'di ka lang ganyan, hindi na sana nalito
Kung 'di pinatagal, hindi na dapat nabigo
Ngayon, sabihin mo kung

Kailangan pa ba natin pag-usapan
O pipiliin pa na mahirapan?
Sisigawan lahat ng nangarapan
Paulit-ulit nang napagganapan
Pero para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na (oh)
Para sa 'kin 'yoko na, ayoko na, ayoko na

Ayoko na, ayoko na, ayoko na (ah)
Ayoko na, ayoko na, ayoko na



Credits
Writer(s): Darlon Adrian Elmedolan, Jason Daniel Haft, Ralph Conrad De Vera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link