PASENSYA NA

Ba't ba ganito, nalilito?
Ika'y tumatakbo pa din dito sa isip ko
Naku, pabalik-balik at hindi ko mahinto
Baka sakali lang ako ay matulungan mo
Dahil inaamin ko na mayro'n pang hapdi
Ang sinapit natin, naging mapait
Kung pagbibigyan kahit isang saglit mapalapit
Aaminin na sa 'yo, wala pa ding humihigit

Kaya pasensiya na
Alam ko namang ika'y masaya na
Kahit 'di pa tayo ang itinadhana
Nais lang naman ito ay maitama kung nasira
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Para makita mong ikaw pa din laman ng aking diwa?
Nais lang hingin ulit ang 'yong tiwala
Oh, maniwala ka

Sayang din naman ang mga alaala
Ang mga liham na inilathala
Kinulayan mo mundo, binalik sa tama
Oh, naalala pa na
Hindi ba't sabi mo
Ako ang pinakamagandang nangyari sa 'yo?
Ngunit 'di na naalagaan, kasalanan ko
Kahalagahan mo'y aking itinaboy

Kaya pasensiya na
Alam ko namang ika'y masaya na
Kahit 'di pa tayo ang itinadhana
Nais lang naman ito ay maitama kung nasira
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Para makita mong ikaw pa din laman ng aking diwa?
Nais lang hingin ulit ang 'yong tiwala
Oh, maniwala ka

Pasensiya na kung hindi ko kinaya
Pasensiya na kung ako'y nagkasala
Pasensiya na kung sinira tiwala
Kung hindi ka pinalaya

Pasensiya na kung hindi ko kinaya
Pasensiya na kung ako 'yung mahina
Pasensiya na kung sinayang ang luha
Pasensiya na

Kaya pasensiya na (pasensiya na)
Alam ko namang ika'y masaya na
Kahit 'di pa tayo ang itinadhana
Nais lang naman ito ay maitama kung nasira
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Para makita mong ikaw pa din laman ng aking diwa?
Nais lang hingin ulit ang 'yong tiwala
Oh, maniwala ka



Credits
Writer(s): Jordan Gregori
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link