Diwata

O kay gandang
Pag masdan
Ng iyong buhok
Na sumasayaw sa
Ilalim ng buwan
Huwag namang
Lumisan
Wag mo akong iwan
Pagkatapos kong

Mabighani sa iyong
Mga labi
Nakikiusap sa mga tala
Wag ka nang mawala oh oh

Diwata, tayo'y di pa ata (na na na)
Katadhana (pa pa pa) para sa isa't isa oh ooh
Mali ba, Maliban sa pagkakaiba natin sa kanila
Diwata (ha haaa) edi wag na muna

Hindi naman natin kailangan
Na mag madali ang pag-ibig natin laging nandyan
Nag mamasid, nakasilip
Handang ipaglaban kung kinakailangang

Ipagsigawan ang ating nararamdaman oh giliw ko
At kung sakali mang maligaw, ang wakas ay ikaw parin at ako

Diwata, tayo'y di pa ata (na na na)
Katadhana (pa pa pa) para sa isa't isa oh ooh
Mali ba, Maliban sa pagkakaiba natin sa kanila
Diwata (ha haaa) edi wag na muna

Bato-bato sa langit
Tamaan wag magalit
Ang pag-ibig ko sayo'y namumukod tangi
Itaga mo sa bato
Ang nakatakda ay ikaw at ako

Paro-parong bukid na lilipad lipad sa'aking hardin
Oh dumapo ka sakin di ka kukulangin sa
Lambing

Lahat ng gusto'y gagawin
Tala, araw at buwan, aking susungkitin
Upang mapagmasdan ang magandang ngiti
Mong di na mabubura sa'king puso at isip
(Ika'y di na mabubura, ah ahhhhh)

Diwata, tayo'y di pa ata (na na na)
Katadhana (pa pa pa) para sa isa't isa (oh ooh)
Mali ba, Maliban sa pagkakaiba natin sa kanila
Diwata (ha haaa) edi wag na muna



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link