Sa Sariling Bayan

Bakit kaya? Ang tanong ko sa inyo
Ang buhay natin ay laging ganito
Ganoon pa rin at walang pag babago
Ilang taon na tayo ay laging kunsumido

Marami pa rin ang manloloko
Pero lalong mas dumarami ang nagpapaloko
Maraming magnanakaw, wala na ring disiplina
Mayroon pa kaya tayong pag asang nakikita?

Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan

Minsan ay nag iisip na okay ang mahirap
Basta marangal na nabubuhay at laging may pangarap
Kaya hindi na umaasa na giginhawa pa
Dahil mahal ng Diyos kahit sino ka pa

Mas mapalad ang tingin sa iyong sarili
Kahit mahirap at walang ano mang pambili
Yan ay isang maling pananaw mahal na kaibigan
Ginagamit na dahilan yan huwag ka lang mag alinlangan

Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan

Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan
Sa sariling bayan



Credits
Writer(s): Noel Castillo Nicolas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link