Huwag Kang Lilingon

Huwag kang lilingon
Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon

Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon

Tao po, pagka pasok ng pinto
Biglang lumamig yung hangin sa loob may umubo
Uh uh
Dios ko po, parang may umuudyok
Na pasukin pa rin namin kahit medyo marupok
Ang gusaling madilim, parang may nakatingin
Tila may biglang pumasok na aninong maitim
Uh
Di ko rin alam na may nilibing
Na isang pamilyang nakagapos raw at may piring
Uh
Ba't ba kayo naparito? biglang tumayo balahibo
Pag lumaki ang ulo mo malapit lang sila dito
Tahimik lang upang hindi mo magambala
Ramdam nila kapag mahina ka wag mabahala
Uh
Maririnig ang kaluskos at babala
Amoy ang daloy ng dugong hindi bumababa
Kumalma ka ang iyong kaba wag ipahalata
Deretso ang tingin wag umiling at
Huwag kang lilingon

Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon
Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon

Tabi-tabi po, sinong narito?
Magpakita ka sa amin di kami mang gugulo
Dito sa lumang gusali di alam ang pabalik
Nagloko bigla ang lente, nawalan kami ng net
Parang may kumalabit, may bumubulong sa hangin
Ika'y mapapa shit sabay dasal ng ama namin
Kada kilos parang may nakatingin
Dun sa dulo ng pasilyo wag na wag na wag na wag mong lingunin
Para bang namulat pangatlong mata
Elemento at multo, sanib at mga banta
Ng mga enerhiyang di normal at negatibo
Engkanto at espirito, demonyo at maligno
Uh
Maririnig ang kaluskos at babala
Naamoy nila kapag mayrong halong kaba
Kumalma ka ang takot wag pahalata
Basta deretso ang tingin wag umiling at
Huwag kang lilingon

Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon

Pag nag panic ka malamang aabutin ka
Huwag mo nang piliting tumingin baka madagit pa
Balahibo'y hinihila sa likod
Kung ramdam mong may aninong kasunod
Huwag na huwag kang lilingon

Strange Shadows



Credits
Writer(s): Francis John C Yabut
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link