Dal'wang Patinig

Ama namin, maaari kayang...

Mga tuhod magkabilaang nangangapal kakaluhod
Sa harapan ng salamin, parang hibang
Panay ang tanong kung
Maaari bang mapasa'kin ka't mapasaiyo ako?
'Yan ang paborito kong dasal

Dalawang patinig lang ang pinakaaasam

Puwede bang ako na lang?
(Sabihin mo, "Oo")
Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan
Puwede bang ako na lang?
Sabihin mo, "Oo"

Bago iparating sa 'yo ang mga panalangin
Ilang beses ipinaalam sa itaas ang bulong
"Maaari ba 'kong maging palagi mo
Dito sa mundong mailap ang kasiguraduhan?"

Dalawang patinig lang ang pinakaaasam

Puwede bang ako na lang?
(Sabihin mo, "Oo")
Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan
Puwede bang ako na lang?
Sabihin mo, "Oo"

Ama namin, maaari kayang (Oo)
Mapasa'kin pinakaaasam? (Oo)
Ama namin, maaari kayang (Oo)
Mapasa'kin pinakaaasam? (Oo)

Puwede bang ako na lang?
(Sabihin mo, "Oo")
Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan
Puwede bang ako na lang?
Sabihin mo, "Oo"

Sabihin mo, "Oo"
Sabihin mo, "Oo"
Sabihin mo, "Oo"



Credits
Writer(s): Alvin Serito
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link