Binalewala

Sabihin mo sa akin kung ba't nagkaganito
Nangyari sa 'tin, bigla na lang nagkagulo
Inakalang parang tunay ay 'di na totoo
Katabi kita ngunit ang layo ko sa 'yo

Ngayon lang natauhan na 'di pala sapat
Ang magbulag-bulagan sa iyong kakulangan
Ako'y natuto na mabuhay mag-isa
Sa dami ng oras na ako'y binalewala

Puwede bang lumayo ka na lang?
Hindi 'yung babalik ka lang kung kailan mo gusto (kung kailan mo gusto)
Minahal ka naman ng sapat
Ngayon parang ako na lang sa 'tin nag-aabot

Ako'y nagsawa nang binabalewala
Naghintay lang sa wala kaya't pasensiya ka na
Hanggang dito na muna, bahala ka na diyan
Sarili ko naman pahahalagahan

'Di na tulad dati ang ating samahan
Kumumulong paruparo sa tiyan ay 'asan na?
Tamis ng mga ngiti, naglaho sa dilim
'Yung dating mala-mahika'y bangungot na'ng dala

Ayaw ko nang pag-usapan
Ayaw ko na rin balikan mga araw na 'yon
Ngayon, malinaw na sa akin
Ayaw ko na, ah

Puwede bang lumayo ka na lang?
Hindi 'yung babalik ka lang kung kailan mo gusto (kung kailan mo gusto)
Minahal ka naman ng sapat
Ngayon parang ako na lang sa 'tin nag-aabot

Ako'y nagsawa nang binabalewala
Naghintay lang sa wala kaya't pasensiya ka na
Hanggang dito na muna, bahala ka na diyan
Sarili ko naman pahahalagahan

Binigyan ka na ng oras para iyong itama
Kung sa'n ka nagkukulang, ngunit iyo lang hinayaan
Kaya ngayong wala ka, ramdam kong masaya pala'ng 'di ka kasama
Puwede bang lumayo ka na lang?
Puwede bang lumayo ka na lang?



Credits
Writer(s): Jan Ed Christian Llorens
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link