Gusto Ko Nang Bumitaw

Hmm, hmm, hmm
Ah

Umiiyak gabi-gabi, walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan? Talo na, pagod na
Akala ko'y ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?

Naglalagalag sa kadiliman, naliligaw, nalilito
Ano nga ba ako sa 'yo? Sino nga ba ako sa 'yo? Ooh
Dito sa aking pagkakahimlay, sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasinglungkot, walang kasingsakit, hmm

Gusto ko nang bumitaw ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw, may pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba? Ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh (gusto ko nang bumitaw)

Humahagulgol ngunit wala namang nakikinig (walang nakikinig)
Walang magandang mapupuntahan kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli; magmamahalan pa kaya?
Magmamahalan pa kaya tayong muli? Yeah, yeah

Gusto ko nang bumitaw ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw, may pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba? Ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh (oh)

Bibitaw, hmm
Pipiliin ko na'ng sarili (bibitaw, bibitaw)
Bibitaw na



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Sheryn Regis, Michiko Unso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link