Tama Ba O Maling Pag-Ibig

Patawad sa araw araw na sakit
Na aking naipadarama
Hindi ko to ginusto kusa itong nangyayari
Dahil may iba akong kasama lagi

Nagkakilala tayo sa maling panahon
Panahong nagkagustuhan at nagmahalan
Ang masakit may nauna na akong inibig
Pangalawa ka pero iba ang timbang

Tama bang pagibig ito? O maling pagibig
Gusto ko lang naman lumigaya
Pero may nasaktan naman tayong iba
Umiiyak habang tayo'y nagpapakasaya
Tama ba o Maling pagibig ito?

Mas mahal kita mas masaya ako sa piling mo
Mas naiintindihan mo ako
Laging langit ang nadarama pag kapiling ka
Hindi ko to pinilit kusa tong lumapit

Nahihirapan narin ako sa ganitong sitwasyon
Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal kita
Pero hindi ko Ito magawa
Dahil May taong masasakatan at mahihirapan

Tama bang pagibig ito? O maling pagibig
Gusto ko lang naman lumigaya
Pero may nasaktan naman tayong iba
Umiiyak habang tayo'y nagpapakasaya
Tama ba o Maling pagibig ito

Nirespeto ko lang naman ang sarili ko
Puro galit at sakit na dinanas ko
Ikaw na pinili ko at pinapangako ko
Hindi tayo hahantong sa pangyayaring ganito

Tama bang pagibig ito? O maling pagibig
Gusto ko lang naman lumigaya
Pero may nasaktan naman tayong iba
Umiiyak habang tayo'y nagpapakasaya
Tama ba o Maling pagibig ito



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link