Dayang

Dayang hmm
Dayang ooh
Dayang yeah
Alamat, handa, rap

Nauupos na nang madatnan
At para bang naghihintay na lang
Mahanginan
At mawala na nang tuluyan

Nang dahil sa 'yong mga kamay
Unti-unti akong nabuhay
Iyong tinakpan
Butas na gawa ng nakaraan

Pa'no ko susuklian
Ang iyong kabutihan
Buong buhay ko
Ilalaan
Sa tangi kong

Dayang
Kalasahan ta kaw
At pipiliin ka
Sa bawat araw
Tangi kong dayang

Nagagawa ko nang ngumiti
Ang bukas ay nakikita ko nang muli
Mga binhing itinanim mo sa dilim
Umuusbong unti-unti
Nawawala ang pighati

'Di ko hahayaang manaig
Ang takot sa aking isip
Panatag ang puso
Dahil kasama ko
Ang tangi kong

Dayang
Kalasahan ta kaw
At pipiliin ka
Sa bawat araw
Tangi kong dayang

Matagal
Matagal din naging hangal
Kung saan-saan hinanap ang pagmamahal
Pero walang nagtatagal

Inuna ko siya bago sarili
Pero wala ring nangyari
Nagtataka bakit bigla na lang siyang nawala
Nang walang pasabi

Nawalan ako ng gana
'Di na naniwala na meron pang pag-asa
Pero kung kailan 'di mo inaakala
May isang darating
Na magbabalik ng ningning

Sa mundo mong balot na balot ng dilim
Liwanag niya ang magsisilbing
Gabay patungo sa kanyang bisig
At mananatiling (mananatiling)
Tangi kong

Dayang
Kalasahan ta kaw ooh, ooh
At pipiliin ka (pipiliin ka, pipiliin ka)
Sa bawat araw (sa bawat, sa bawat, sa bawat araw)
Whoa, ooh, ooh
Tangi kong
Dayang



Credits
Writer(s): Sean Cedro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link