Pulot

Talagang hindi mo maiiwasan na madapa ka
Kasi pundidong bumbilya yung nasa ulo't
Madilim pa yung kalsada
Talagang namang mangangapa ka
Bulag na nga wala pang mapa
May magagawa ka pa kaya?
Kasi parang wala na nga, kapag nasa baba na

Pero teka lang
Nadadapa lang kapag umabante diba?
Lingid sa kaalaman
Umuusad din naman
Pero wag kang paka kampante kase
Kahit anong gawin madadapa parin
Kapag laging tingin mo ay sa salamin
Dapat ay humiling ka ng
Gabay sa itaas at 'tataas ka rin

Talaga!
Oo Talagang
May mapupulot ka sa baba
Kaso ba't nandyan kapa, ano kaba?

Talaga!
Oo Talagang
May mapupulot ka sa baba
Pero dahil sa biyaya Niya ay aangat kapa

Kasi ba't ka nananatili
Diyan sa baba ay wag kang magpapapigil
Bumangon ulit, bumangon ulit

Kaya ko naman yatang, bumangon
Kaso baka madapa lang
Gaya kahapon
Kasi 'di kaya ng sariling lakas
Nag mistula nanamang Barabbas
Para makalas ang mga kadena
Biyaya lang lagi ng nasa taas

Wala nang iba, mag papasaya
Mag papagaan ng mga dala
Kung nasa baba ka narin pala
Kung 'di papalarin, tuhurin mo na
Kasi ang pag-asa natin
Ay mapupulot sa pag-asa sa ating
Diyos na mabuti at nandyan palaging
Tumutugon ng mga panalangin
Talaga ngang

Talaga!
Oo Talagang
May mapupulot ka sa baba
Kaso ba't nandyan kapa, ano kaba?

Talaga!
Oo Talagang
May mapupulot ka sa baba
Pero dahil sa biyaya Niya ay aangat kapa

Ano nga bang gagawin kapag nasa baba na
Pipilitin ko bang umangat o mawalan ng gana
Kesa wala kang gawin o sa sarili mag tiwala
Sa Diyos ka nalang umasa't di na ka mawawala pa

Tanggapin mo lang ng buong puso
Ang Panginoon at talaga namang mag kakakulay
Ipakita mo sa buong mundo
Na ang tunay na tagumpay, may kabuluhan ang buhay



Credits
Writer(s): Ryan Anderson, Joshua Vicher
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link