ALAM MO NA

Ano'ng puwede kong sabihin
Sa dami ng gusto kong patigilin?
Nag-aabang na matalisod, 'di kayang pigilin
Mga itinanim, gustong makatikim
Kahit hindi naman sila ang nagpakaitim

Kung 'di mo diniin, tumabi-tabi ka rin
Mahirap humanap kaibigang 'di ka tataluhin
Sa lugar na ang sa 'yo ay gusto rin nila
Kung tanghali kang gumising ay pumila ka

Hindi sapat ang magaling, dapat handa ka rin
Na matulog nang dilat ang mata sa dilim
Dahil ang pahinga'y para lang sa mga talunan
Mga nauuna lamang ang gustong maabutan

Mga nasa huli, inggit ay binalutan
Mahahaba na kuko, ikaw ay gagalusan
Ng regalo, para ba makaakbay sa 'yo
Aapiran ka, kunwari magkasabay kayo

Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming
Regalong mamahalin kahit 'di naman kayo
Kaya halika na sa biyahe, huwag ka nang umarte
Heto na ang guro mo, sige, upo sa klase

Lagi kang tingala, pero paatras ang diskarte
Matutong yumuko sa lupa para umabante
'Di 'to tulad ng dati, laging hindi kasali
Sahod ay 'di na bale, ang konti ay dumami
Batikang medyo d'yahe, may paninda palagi
Hindi nauubusan tubo na walang yabe

'Pag kumamada pantay ang salang, walang sablay
Parang pamadang pinalitada at sinuklay
Pasok ang bara, 'di sumasala tuwing uunday
Palaging kara, itong kartada walang humpay

Walang humpay na parang trapik dito sa Pinas
Kailan magiging isang hugas lamang ang bigas?
Punong hitik na iilan lang ang pumipitas
At gano'n talaga ang laging sagot na likas

Parang papaya, 'wag kang madaya, ang magparaya
S'yang dapat na hinog at laging pinapaubaya
Sa may kailangan at naharangan ay makalaya
Marami na ang s'yang namatay sa maling akala

Kaya bago ko pa tapusin ang tulang ito
Hayaan munang kayong lahat ay awitan ko
Ng isang tono na no'ng napanaginipan ko
Pinilit ko na matandaan at masulat 'to

'Di ba ikaw 'yung makata na kumakamada?
Iba't ibang letra na ibinebenta
Kasi dito sa 'min, walang mumurahin
Para may makain, kailangang hasain

Nakilala ka na, gusto mo ano pa?
Ingat kasi baka bigla kang madapa
May mga nauna, bakas ng mga paa
Gamitin ang 'yong mata, para alam mo na

Heto na'ng mekaniko, teka, ano'ng problema?
Ilabas mo na ang piyesa, magkano'ng bayad?
Sige, ilapag mo sa mesa, bawal ang maarte
Para kang tumanggi sa "Tanggapin mo na kaysa"

Kilala ka na, gusto mo ano pa?
Ingat kasi baka bigla kang madapa
May mga nauna, bakas ng mga paa
Gamitin ang 'yong mata, para alam mo na



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link