GrandMommy

Hi Zack wow!
Na ala-ala ko tuloy
Kong saan-saan lang tayo nagpipila
Para mag pa audition
Ako na pumipila para sa'yo
Para 'di ka mapagod
At ako pag-uwian na sa hapon
Siksikan at naghabolan ang mga kids
Hiyang-hiya pa nga ka noon eh
(Hehehem)

Pero ito ka
Bunga nang pag-poporsige mo
Proud na proud ang Mommy
Pero maski naman di ka sumikat
Proud parin ang Mommy sa'yo
Kasi mabait kang bata (bata, bata, bata)

Kaya sana wag kang magbabago
Panatilihin ang paa
Na nakasayad sa Lupa
Kahit anong mangyari
Mahal na mahal ka nang Mommy
Hindi lang nagsasalita si Mommy

Alam mo na 'yon
Kong gaano kita kamahal
At proud sa'yo
Laging magpasalamat sa panginoon
Sa mga biyaya na
Natatanggap mo ngayon
Alagaan mo ang iyong sarili
Wag abusuhin at pahinga
Pahinga, pahinga
Pahinga paalis ka diba?

Mommy love's you, mommy love's you
Mommy love's you, mommy love's you
Mommy love's you
Love's you, love's you, love's you, Love's you, love's you



Credits
Writer(s): Zack Tabudlo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link