Yugto

Tuwing hatinggabi, maririnig mo ang huni
Ng mga kaluluwang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo, hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao

Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Sa gitna ng kaguluhan, may kumukulong bulkan
'Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin, tiyak paiikutin ka

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Oh-oh, ho-ho-ho
Oh-oh, ho-ho-ho
Ang mga tinig, palakas nang palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang
Ang mga tinig, palakas nang palakas
(Hanggang gumuho ang mga hadlang)

Sa gitna ng kadiliman, may buwitreng nagmamasid
May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy
Lahat ng mga problema sa iba'y sinisisi

Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik
Leeg mo'y pupuluputan, dugo mo'y sisipsipin
Kapag wala ka nang pakinabang
Ending mo ay sa bangin

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka
Lumiyab
Lumiyab
Lumiyab

Sa ngalan ng katotohanan (Lumiyab ka)
Sa ngalan ng iyong dangal (Lumiyab ka)
Ang puso at iyong isipan (Lumiyab ka)
Ialay mo sa Maykapal

Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto
Lumiyab ka

Oh-oh, ho-ho-ho
Oh-oh, ho-ho-ho
Ang mga tinig, palakas nang palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang
Ang mga tinig, palakas nang palakas
(Hanggang gumuho ang mga hadlang)



Credits
Writer(s): Rico Blanco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link