Pag-ibig Lang

Hindi na alam ang gagawin
Kakapit na ba ako sa patalim?
Kailan ba matatapos ang dilim?
Minsa'y parang nakakapagod na

Hanggang kailan ko dadalhin?
Oh, kay bigat nitong aking pasanin
Mayro'n bang nakikinig sa aking panalangin?
Mayro'n ba sa 'king nagmamahal?

Pero 'di ibig sabihin na ako'y susuko
Pag-ibig ang aking sandata

Ako'y mangangarap, magtitiwala
Hanggang ang lahat ay makakita
Na mayro'ng liwanag at mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang aking kakapitan

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Lahat ay aking kakayanin
Hirap man o sakit, kayang tiisin
Pasasaan ba't matatapos din ang dilim
Gagaan din ang pakiramdam

At dahil sa 'yo, ako'y hinding-hindi susuko
Pag-ibig ang aking sandata

Ako'y mangangarap, magtitiwala
Hanggang ang lahat ay makakita
Na mayro'ng liwanag at mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang, aking kakapitan

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Ako'y mangangarap, magtitiwala
Hanggang ang lahat ay makakita
Na mayro'ng liwanag at mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang aking kakapitan

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang



Credits
Writer(s): Carl Guevarra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link