Paalam, Aking Pahinga (Anibersaryo)

Sa pagsapit ng gabi, ako'y nag-iisa
Sa dilim ng mundo, bigo't walang kasama
Alas dose ng umaga, patago na lumuluha
Titig ko'y sa alapaap, hindi ka na makakasama

Sa dilim ng gabing walang hanggan
Naghahanap ng kahulugan, hinahanap ang liwanag
Sa bawat tibok ng puso, mayroong pag-asa
Na ang bukas ay magdadala ng kasiyahan

Sa ating dalawa
Paalam na, paalam na, oh, aking pahinga
Paalam na, oh aking pahinga
Sa mundong, ika'y naging masaya
Pinapalaya kita

Ilang minuto ang nalagas, kakaisip ko ng malas
Sa mga araw na hindi ko man lang naiparamdam
Mahal kita, ngunit ayaw mo na
Dahil di na nga, nawala ka na

Sa dilim ng gabing walang hanggan
Naghahanap ng kahulugan, hinahanap ang liwanag
Sa bawat tibok ng puso, mayroong pag-asa
Na ang bukas ay magdadala ng kasiyahan

Sa ating dalawa
Paalam na, paalam na, oh aking pahinga
Paalam na, oh aking pahinga
Tuloy ang mundo, kahit wala ka na
Paalam na, oh aking pahinga
Sa mundong, ika'y naging masaya
Pinapalaya

Sa dilim ng gabing walang hanggan
Hinahanap ka parin, hinahanap ang iyong liwanag
Sa bawat tibok ng puso, mayroong pag-asa
Na ikaw ay masaya na nga, sinta
Sinta

Paalam na, oh aking pahinga
Oh, aking pahinga
Sana'y dito ka nalang
Sa mundong, ika'y naging masaya
Pinapalaya kita



Credits
Writer(s): Amir Yanes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link