Sa'king Mga Tula

Kahit ilang bukas
At kahapon ang tawirin
Ay magbabalik
Sa mga sandaling
Una kang nakapiling
Humaba man ang lalakbayin
Sa'yo lamang muling uuwi

Tatahakin ko
Daan patungo sa'yo
Ang sabi ko nga
Sa'king mga tula
Ang mamahalin
Ang iibigi'y laging ikaw

'Di mangangakong
Mawawala ang sakit
Ang ibig ko ay
Maramdaman mong
Ako ang 'yong karatig
Hanggang sa pumanaw ang daing
Sa pagtulog hanggang paggising

Tatahakin ko
Daan patungo sa'yo
Ang sabi ko nga
Sa'king mga tula
Ang mamahalin
Ang iibigi'y laging ikaw

-Instrumental-

Kung ang haba ng oras ay tulad ng
Haba ng pagitan o agwat
Masusukat mong ang pagsinta ay walang hanggan
'Di maliligaw ang aking daan
'Di masasambit ang saan
'Pagkat mahal ka kahit kailan pa man
Kahit sa'n pa man

Tatahakin ko
Daan patungo sa'yo
Ang sabi ko pa nga
Sa'king mga tula
Ang mamahalin
Palagi lang iibigin
Ang susundin
Ang lalakbayin
Daan mo ang palaging babalikan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link