Habambuhay

Silong na sa 'king payong
Patak ng ulan ay ang kahapon
Unos ng sandali,
Sabay nating harapin
Ikaw lang ang pipiliin

Patuloy kang sasambahin
Araw-araw ay mamahalin
At kung tahimik man
Ika'y aking aawitan
Ikaw lang magpakailan pa man

Bumaha man ang paligid,
Ligtas ka sa aking pag-ibig
Hawak ang iyong kamay,
Kasama ka sa habambuhay

Ilang beses mang tayo'y subukin,
Tadhana'y nagpasyang tayo'y pagbuklurin
At datirati pa mga pusong ligaw,
Ngayo'y pangalan mo aking sinisigaw

Bumaha man ang paligid,
Ligtas ka sa aking pag-ibig
Hawak ang iyong kamay,
Kasama ka sa habambuhay

At kung maubos man ang tala,
At liwanag ay di makita
Pangakong 'di magsasawa
Sa hirap at ginhawa

At darating ang araw,
Na tayo ay lilisan
Hiling ko lang sa Maykapal,
Na sa susunod na buhay,
Buong pag-ibig ko,
Sayo parin ay i-aalay.



Credits
Writer(s): Ernesto Maala Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link