Tanging Tala

Ikaw ang bulalakaw sa kalangitan
Ikaw ang bituin sa kalawakan
Ikaw ang talang marikit kung titingnan
Ikaw ang misteryong di maunawaan
Sa dami ng talang nagsisipagkinang
Damdamin ko ay sa iyo lang nahihibang
Tanging tala, pinakamakinang
Ako'y nag-aabang
Tanging tala, hiling kay Bathala
Mapasakin ka bigla, tala
Kahit pilitin pang ipagkukumpara
Milya ang layo mo, madami man sila
Mala-diyosa natatangi mong ganda
Sadyang pagkarikit, iba sa kanila
Sa dami ng talang nagsisipagkinang
Damdamin ko ay sa iyo lang nahihibang
Tanging tala, pinakamakinang
Ako'y nag-aabang
Tanging tala, hiling kay Bathala
Mapasakin ka bigla, tala
Pag-ibig mo sa 'kin ay ubod ng kinang
Pagmamahal ko rin sa 'yo ay walang hanggan
Tulad ng bituin kahit nasa'n pa man
Pilit aabutin mapasakin ka lang
Sa dami ng talang nagsisipagkinang
Damdamin ko ay sa iyo lang nahihibang
Tanging tala, pinakamakinang
Ako'y nag-aabang
Tanging tala, hiling kay Bathala
Mapasakin ka bigla, tala
Tanging tala, pinakamakinang
Ako'y nag-aabang
Tanging tala, hiling kay Bathala
Mapasakin ka bigla
Tanging tala, pinakamakinang
Ako'y nag-aabang
Tanging tala, hiling kay Bathala
Mapasakin ka bigla
Tala



Credits
Writer(s): Jovet Apostol
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link