To the Moon

Tinitigan ko sya sa mata
Tunay nga na maganda
Binibini ko
Wag mahiyang

Lumapit halika na
Kung papalarin man
Maiuwi kahit konting sandali
Dadalhin sa buwan

Nagkakahiyaan at hindi nagpapansinan
Habang nagsasaya ang tropa at nagiinuman
Alak nagbubukasan, pulutang masarapan
Daming bebot pero ikaw lang ang hinahangaan

Naiilang sa aura ng iyong kagandahan
Ngunit panay lingon at gusto parin titigan
Gusto ka ng lapitan, suyuin at awitan
Ng kundiman kahit di mo man ako pakinggan

Hanggang kailan makikipag taguan
Ang puso't utak ko na ayaw mapaglaruan
Tayo na sa upuan, hamakin ang pagitan
Nang di masayang ang pagkakataon na minsan

Tinitigan ko siya sa mata
Tunay nga na maganda
Binibini ko
Huwag mahiyang lumapit

Halika na
Kung papalarin man
Maiuwi kahit konting sandali
Dadalhin sa buwan

To the moon, to the moon
Dahan-dahan ako'y lumapit
Kay baby girl na mahinhin at marikit
Tamang-tama, bagong ahit

Smooth like a newborn, nakakaakit
Hawak-hawak ko ang Henny at pampausok yosi
Medyo bad boy ang datingan, ani mo'y si saucy
Kitang-kita ko ngiti mo abot langit, baby

Nang tinanong kita, what's up
How you doing lately
Matamis na kamustahan, bulungan at sayawan
Nakatitig, umiibig, sa'yo lang ang tampulan

Huwag sana wakasan, gabing makabuluhan
At asahang kinamamayaan dadalhin sa buwan



Credits
Writer(s): Robert Calica
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link