Deliks

Hatinggabi na naman
Nagmamanehong mag-isa sa daan
At ang tangi ko lang na katabi
Ay ang isang bote ng alak

Na 'la 'kong balak bitawan, gusto lang maliwanagan
Ba't gano'n lang binitawan lahat ng pinanghawakan natin dati?
Ano ba ang nangyari? Paano 'to nangyari lahat? Oh

Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, delikado
Alam ko, 'di ko naman dapat nararamdaman 'to, komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw? Lingon sa kanan, ikaw ang lumilitaw
Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, pero pa'no

Pa ba kita mabubura
Kung ang alaala natin ay dito na nakatira?
Tila ba parang lamat na 'di matakasan
Sa tuwing hawak ang manibela

Ikaw pa rin ang hinahanap, ilan pa bang tungga ng alak?
Ano pa ba ang dapat gawin ko para 'di na 'ko paikot-ikot pa?
Nakakapagod maalala ka, oh

Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, delikado
Alam ko, 'di ko naman dapat nararamdaman 'to, komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw? Lingon sa kanan, ikaw ang lumilitaw
Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, pero pa'no?

Sa hinahaba-haba ng kalsada, ba't 'di ko magawang magsawang
Balik-balikan ang mga dinaanan natin nu'ng tayo pa?
Magkasabay na tumatahak, ramdam ko sa 'king bawat apak
Ang hatak ng ating kahapon na 'di ko matapon-tapon, oh, pa'no ba? (Oh)

Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, delikado
Alam ko, 'di ko naman dapat nararamdaman 'to, komplikado

Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, delikado
Alam ko, 'di ko naman dapat nararamdaman 'to, komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw? (Bumitaw) lingon sa kanan, ikaw ang lumilitaw
Alam ko, 'di ko naman dapat ginagawa 'to, pero pa'no?

Pa'no makakabitaw kung ikaw pa rin at ikaw?
'Di ko naman dapat ginagawa 'to, delikado



Credits
Writer(s): John Roa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link