Klmtr (Acoustic Version)

Nakatingin na ang buwan sa 'tin
Nakadungaw, nakasilip
Umiindak ang isang milyong bituin
Sa ilalim ng takipsilim

Sabay ng paghampas ng hangin sa balat
Na 'ting dalawa, binabalot ng hiwaga
Ano ba'ng dahilan, pangamba'y naiibsan
Ng mga titig mo, ako'y sayong sayo

Sinta, naririnig mo ba'ng pagdambo sa 'king dibdib
Ng pusong pumipintig
Daig pa'ng tumakbo ng ilang kilometrong layo
Patungo sa iyo

Himig sa paligid, di 'ko na napapansin
Pagka't sayo'y nakatingin
Tila tala ang kislap ng 'yong mata
Ako'y nabihag mo, kuhang kuha mo ako

Sinta, naririnig mo ba'ng pagdambo sa 'king dibdib
Ng pusong pumipintig
Daig pa'ng tumakbo ng ilang kilometrong layo
Patungo sa iyo

Sinta, sana'y marinig mo nga
Ang sigaw ng puso ko
Tanging ang pangalan mo
Kahit na ilang kilometro ang layo mo sa 'kin
Ikaw na ikaw pa rin

Ohh oh oh Ohh oh ohh
Ikaw na ikaw pa rin
Ohh oh oh Ohh
Ikaw na ikaw pa rin



Credits
Writer(s): Kaye Sev
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link