Bahaghari

Ang dami na nga ring nangyari, mga taong 'di na kapiling
Isang taon na naman ang lilipas, gusto'y ikaw pa rin
Tumataas, lumulubog, ang buhay na parang gulong
Minsan, gulong-gulo, pero ayos lang, gusto'y ikaw pa rin

Sa gabing ito, 'di na malulungkot
Tila kasama ko ang tala kapag kasama ka
Puti, dilaw, itim, ano man ang iyong anyo o hugis
O kulay pa ng kutis

Tunay na nararapat kang lumigaya
Tuwid o kulot, walang tamang sagot
Kulay ng bahaghari, ano man ang naisin
Ang nararamdaman, hindi mahuhusgahan

Ang dami na nga ring nangyari, 'di na kailangan pang sabihin
Tayo'y tumatanda, oras, umaandar, gusto'y ikaw pa rin
Tumataas, lumulubog, sa isipan, nalulunod
Minsan, tinatangay, pero ayos lang, gusto'y ikaw pa rin

Sa gabing ito, 'di na malulungkot
Tila kasama ko ang tala kapag kasama ka
Puti, dilaw, itim, ano man ang iyong anyo o hugis
O kulay pa ng kutis

Tunay na nararapat kang lumigaya
Tuwid o kulot, walang tamang sagot
Kulay ng bahaghari, ano man ang naisin
Ang nararamdaman, hindi mahuhusgahan

Tunay na nararapat kang lumigaya (tunay na nararapat)
Tuwid o kulot, walang tamang sagot (walang tamang sagot)
Kulay ng bahaghari, ano man ang naisin (ano man ang naisin)
Ang nararamdaman, hindi mahuhusgahan

Tunay na nararapat kang lumigaya
'Wag nang pansinin, 'di naman natin kayang kontrolin
Ang mga bagay-bagay, damhin lang ang 'yong kulay
Tuwid o kulot, walang tamang sagot

Tunay na nararapat kang lumigaya
Tuwid o kulot, walang tamang sagot
Kulay ng bahaghari, ano man ang naisin (ano man ang iyong anyo o hugis)
Ang nararamdaman, hindi mahuhusgahan (o kulay pa ng kutis)



Credits
Writer(s): Elton Clark Balasbas Vibares, Luiz Cabaron
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link