Promdi

Samu't saring mukhang nasa daan
Ni isa man lang ay di ka matingnan
Alam nilang wala kang panukli
Sa tulong na iyong hinihingi

Nagkulong ka sa sarili mong mundo
Kung saan ang bukas ay 'di ka sigurado
Pilit ka naman nilang inaabot
Ngunit 'sing tigas ka na ng isang bato

Nilamon ka ng sarili mong poot
Hinukay mo kung saan ka ibabaon
Kapayapaa'y nakita sa iyong dilim
Ikaw pala'y humiga na sa iyong ataul

Sumubok kang kumapit sa patalim
Naging alagad ka na ng dilim
Lahat ito'y para ka mabuhay
Sa bangketa ka biglang humandusay

Nagkulong ka sa sarili mong mundo
Kung saan ang bukas ay 'di ka sigurado
Pilit ka naman nilang inaabot
Ngunit 'sing tigas ka na ng isang bato

Nilamon ka ng sarili mong poot
Hinukay mo kung saan ka ibabaon
Kapayapaa'y nakita sa iyong dilim
Ikaw pala'y humiga na sa iyong ataul

Nagkulong ka sa sarili mong mundo
Kung saan ang bukas ay 'di ka sigurado
Pilit ka naman nilang inaabot
Ngunit 'sing tigas ka na ng isang bato

Nilamon ka ng sarili mong poot
Hinukay mo kung saan ka ibabaon
Kapayapaa'y nakita sa iyong dilim
Ikaw pala'y humiga na sa iyong ataul

Ikaw pala'y humiga na sa iyong ataul
Ikaw pala'y humiga na sa iyong ataul



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link