Walwal - Live at Teatrino

Pasado alas-dose na
Mulat pa rin ang mata
Nakaderetso'ng paningin
Sa kurbadang bote ng serbesa
Na nabili do'n sa kanto
Kung sa'n ka niya iniwan
Napahinto puso mo sa pagtibok saglit
Nang marinig mo'ng kanyang binanggit

Pamamaalam niyang humahagupit
Salita lang naman pero ba't ang sakit?
Mundo mo'y huminto sa pag-ikot saglit
"Sandali, sandali, ba't gan'to ang sinapit?"
Tanong mo sa sarili habang siya'y papalayo
Naiwan kang naguguluhan
Tulala't napaupo sa daan

'Di alintana ang nagbabadyang ulan
Isip ay nagugulumihanan kung ano nga ba'ng dahilan
Ng biglaang pag-iwan sa ere
"Pare, pare, an' 'yari?"
Tanong ng tropa, sinagot ng "Wala"
Sabay ngiti na lang kunwari

Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Iwan ka man ng 'yong kabiyak, mahal ka pa rin ng alak

Tropa, sige, tagay pa
Sagarin mo nang malimutan siya
Mga luha'y hayaan mong pumatak
Isabay mo sa alak ang pag-iyak
Halika, sige, lumapit ka
Sindihan, hipakin mo nang malalim
At sandal sa pader nang matapos na
Lungkot na 'yong nadarama

Oh, ano, pare?
Gising ka na ba?
Halika, tulungan na kita tumayo
Kasi nga masakit ang paa
Pagod sa biyahe kagabi
Mga ungol na tagos sa kisame
Maluwang naman 'yung kuwarto
Pero bakit ka nasisikipan ipasok 'yung sandok

Sa mamula-mulang palayok niya?
Nag-uunahan ang mga kalahok
'Pag nagsimula nang magpaputok
Tungo sa ginhawang dulot ng pagtusok

Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Nasa walwal ang tunay na pagmamahal
Iwan ka man ng 'yong kabiyak, mahal ka pa rin ng alak

Tropa, sige, tagay pa
Sagarin mo nang malimutan siya
Mga luha'y hayaan mong pumatak
Isabay mo sa alak ang pag-iyak
Halika, 'lika, sige, lumapit ka
Sindihan, hipakin mo nang malalim
At sandal sa pader nang matapos na
Lungkot na 'yong nadarama

Tropa, sige, tagay pa
Sagarin mo nang malimutan siya
Mga luha'y hayaan mong pumatak
Isabay mo sa alak ang pag-iyak
Halika, sige, lumapit ka
Sindihan, hipakin mo nang malalim
At sandal sa pader nang matapos na
Lungkot na 'yong nadarama

Tropa, sige, tagay pa
Sagarin mo nang malimutan siya
Tropa, sige, tagay pa
Sagarin

Maraming salamat po, thank you



Credits
Writer(s): Johnvie Delarosa Viloria, Leonard Obero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link